RSS

Pasimula

12 Aug

Bilang pasimula, mainam na tayong lahat ay may pare-parehang pag-intindi sa mga salita at ideyang gagamitin at tutukuyin sa blog na ito.

Magsimula tayo sa pamagat.

Mga Salin. Mga Hinubad. Magkasingkahulugan ang dalawang parirala. Ang mga salin ay mga hinubad sa wikang Cebuano.

Cebuano (Sinugbuanon). Ito ay isang wikang Austronesian at isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Tinatayang mayroong 15.8 milyong Pilipino ang nagsasalita ng Cebuano (2000 census). Tinatawag rin itong Binisaya, Bisayan, Sebuano, Sugbuanon, Sugbuhanon, at Visayan (ethnologue, 2009).

 

Southern Philippines Language Map

Southern Philippines Language Map

 

Nabibilang ito sa Visayan Language family na kinasasapian rin ng Hiligaynon, Waray-Waray, at iba pang wika.

Bisaya. Isang nakakalitong terminolohiya ang Bisaya. Sa isang banda ito ang tawag sa central island group ng Pilipinas (Visayas). Ito rin ang tawag ng nakararami sa wikang Cebuano (Binisaya). Subalit ito rin ang tawag ng iba sa wikang Hiligaynon (Ilonggo) at ng Waray-Waray (Waray, Winaray) na mga wikang napapaloob rin sa Visayan Language Family. Maryoon ring isang ethnic group sa Borneo na ang tawag sa sarili ay Bisaya. Mayroon silang sariling wika na ang tawag ay Bisaya din. Sinasabing ang mga Bisayang Filipino ay nagmula sa pangkat na ito may mga isang libong taon na ang nakaraan. Sa loob ng panahong ito ay nagbago at nalinang ang wikang dala ng mga migranteng Bisaya sa anyong ngayon ay sinasalita ng mga taong naninirahan sa Kabisayaan (Hellingman, 2009).

Bisrock. Isa itong subgenre ng Pinoy rock ayon sa wikipedia entry ukol dito. Sinasabing nagmula ito sa rock music industry ng Cebu. Ang salitang bisrock ay mula sa mga salitang bisaya at rock na ginamit ng manunulat na si Januar E. Yap noong 2002. (wikipedia)

Narito pa ang isang mapa ng mga wikang Bisaya mula sa wikipedia:

 

Visayan languages

Visayan languages

 

 
Leave a comment

Posted by on August 12, 2010 in Anawnsment

 

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: